Tuesday, November 15, 2011

Mga teknikal na katawagan sa paggawa ng iskrip

  Mga Teknikal na Katawagan sa Paggawa ng Iskrip
  1. Frame - Ang bawat indibidwal na kuha sa isang piraso ng pelikula.
  2. ( )       - (panaklong) Mga panuto na dapat gawin ng tauhan: paraan ng pagsasalita.
  3. SOP (Standard operational Procedure) - Ang karaniwang sinusunod na pamamaraan o patakaran sa paggawa.
  4. Slow Motion (Slowmo) - Isang uri ng epekto na ang kilos o galaw ay pinababagal kaysa sa normal.
  5. Odyo  -  Lahat na naririnig.
  6. Vidyo  - Lahat na nakikita.
  7. CAM - (camera) 
  8. SEQ - (Sequence); Isang mahalaga't madulang pagkakaunlad ng mga pangyayari sa dula na binubuo ng isa o mahigit pang eksena.
  9. Credits - Mga pangalan ng mga artista ng direktor at ng lahat ng may kinalaman sa paggawa ng pelikula.
  10. Close- up (CU) - Isang kuha sa malapitang anggulo ng isang bahagi o maliit na bahagi ng isang bagay, pook, o tauhan.
  11. Extreme Close- Up (ECU) - Ang pinakamalapit na anggulong makukunan ng larawan.
  12. Cut- Ang madalian o biglang pagpapalit o transisyon mula sa isang kuhang larawang ipinakikita na sa isang sumusunod na ipapakita pa lamang.
  13. Exterior- Ang lokasyon o pook na pagkukunan ng larawan ay sa labas. 
  14. Fade in- isang kuhang larawang unti- unting makikita o lumilinaw sa paningin.
  15. Fade out- Isang kuhang larawang unti- unting lumalabo sa paningin.
  16. Dissolve to- isang unti- unting pagpapalit o transisyon ng mga kuhang larawan ng eksena mula sa ipinakikita tuloy sa isang bagong sumusunod na ipakikita pa lamang.
  17. Full shot- isang kuhang nagpapakita ng tauhan ng isang bagay pook o tao.
  18. Opening shot- ang kuhang nagpapakita ng kabuuan ng isang bagay, pook o tao.
  19. Master shot or main shot - isang kuhang nagpapakita ng kabuuan o ng malawak na bahagi ng isang eksena.
  20. Insert shots- mga kuhang isinisingit sa main shot.
  21. Freeze- Paghinto o pananatili ng isang kuhang larawan sa screen o tabing.
  22. Standard Intro- ang karaniwang panimulang gingawa o pinapakita sa telebisyon o pelikula bago simulan ang pagtatanghal.
  23. Standard Extro - Ang karaniwang pangwakas na format, ipinapakit ang tail ang naka- freeze na wakas ng pinakahuling eksena at iba pang mga credits pagkilala p pasasalamat.
  24. Black Out- pag papatay ng ilaw.
  25. Voice over- isang rekorded na tinig na maririnig mula sa kung saang bahagi ng tanghalan na hindi sinasalita ng gumaganap na tauhan.
  26. Sound over- Isang rekorded na tunog na maririnig lamang mula sa kung saan.
  27. Screen play - ang mga dayalogo, mga deskripson at mga direksyong gawa ng scriptwriter.
  28. Slide - isang larawan sa salamin para i project o ipakita sa screen o tabing.



Source: Mithi Book

No comments:

Post a Comment